Inilabas na ng Korte Suprema ang resulta ng 2014 Bar Examinations ngayong araw.
Mismong ang chairperson ng 2014 Bar Exams na si Associate Justice Diosdado Peralta ang nag-anunsyo ng top ten.
Nanguna sa mga nakapasa si Irene May Alcobilla ng San Beda College of Law na may score na 85.5%
Nasa ikalawang pwesto naman si Christian A. Drilon ng Ateneo de Manila na may score na 85.45%
Pasok naman sa ikatlong pwesto naman si Sandra May Magalang ng UP College of Law, na nagtala naman ng 84.6%
Kasunod naman sa ika-limang pwesto sina Mark Leo de Bejemino ng UP, Gil Garcia ng Ateneo de Davao at si Reginald Laco ng De Lasalle – Lipa na may score na 84.55%
Nasa ika-limang pwesto naman si Michelle Liao ng University of Cebu, na nagtala ng 84.5%
Pang-anim naman si Jose Angelo David ng San Beda, 84.45% kasunod kanyang kaeskuwela na si Adrian Aumentado na may score na 84.35%
Kapwa naman nasa ika-walong pwesto sina Rhey David Daway ng UP at Fideliz Diaz ng Far Eastern University, 84.2%
Samantala nasa ika-siyam na pwesto naman si Jamie Liz Yu ng UP na may score na 84%, at pang-sampu naman si Tristan Matthew Delgado ng Ateneo de Manila na may score na 83.95%
Nasa 1,126 na bar examineees ang pumasa mula sa kabuuang 6,344 o katumbas na passing rate na 18.82%. Ginanap ang bar exams noong Oktubre 2014 sa University of Sto. Tomas sa Espanya, Maynila
Samantala ang kabuuang listahan ng bar passers ay makikita mismo sa quadrangle ng Korte Suprema at sa kanilang official website sa http://sc.judiciary.gov.ph/
Tags: 2014 bar, bar exam, Justice Diosdado Peralta, Korte Suprema, Supreme Court, top ten passers
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com