Responsibilidad ni VP Robredo bilang Drug Czar depende sa mapagkakasunduan nila ni Pang. Duterte – Malakanyang

by Erika Endraca | November 7, 2019 (Thursday) | 4389
Photo Courtesy : VP Leni Robredo FB

METRO MANILA, Maaari nang gawin ni Vice President Leni Robredo ang gusto nito sa anti-drug war ng pamahalaan. Gayunman, nilinaw naman ng Malacañang na kailangan pang alamin ng Bise Presidente ang saklaw at partikular na responsibilidad nito bilang drug czar. 

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maaari na rin aniyang magreport ang Bise Presidente sa Punong Ehekutibo sa Malacañang kung gugustuhin nito. Maaari na rin itong dumalo sa mga cabinet meeting ng Pangulo. Tiniyak naman ng opisyal na susuportahan ang Bise Presidente ng buong gabinete ng Duterte administration.

Samantala, welcome sa Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) At Dangerous Drugs Board (DDB) ang pagtanggap ni VP Robredo sa posisyon. Tiniyak din ng mga ito ang buong suporta at kooperasyon sa Bise Presidente.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,