Pinaigting ng Department of Foreign Affairs ang pagtulong nito sa mga Pilipino na nasa bansang Yemen matapos na magsagawa ng airstrike ang Saudi Arabia sa ilang lugar sa nasabing bansa.
Ayon sa DFA, nakikipagtulungan na ang Crisis Management team ng bansa sa Filipino community nasa Yemen kung saan nasa limampu’t apat na Pilipino na ang nagpalista habang 17 naman ang narepatriate ng DFA pabalik ng bansa.
Ngunit ayon sa DFA, bagamat nasa mandatory repatriation ngayon ang Yemen, marami pa rin sa mga Pilipino ang pinipiling manatili sa naturang bansa.
Sa kasalukuyan, nakataas pa rin sa alert level 4 ang sitwasyon sa bansang Yemen.(Darlene Basingan,UNTV Correspondent)
Tags: DFA, OFW, repatriation, Saudi Arabia, Yemen