Wala pa ring pormal na kinikilalang minority leader ang Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ito ay sa kabila nang pumangalawa sa nakakuha ng mataas na boto si Ifugao Rep. Teddy Baguilat.
Lumamang lamang ng isang puntos si Baguilat kay Quezon Rep. Danilo Suarez.
Subalit sa pagbubukas ng sesyon kahapon inanunsyo ni Majority Leader Rudy Fariñas na lahat ng hindi bumoto sa nanalong House Speaker ay kailangang muling magbotohan para sa kanilang kikilalaning minority leader.
Ayon kay Baguilat taliwas ito sa rules na matagal nang sinusunod ng Kamara.
Hindi rin aniya kinuha ang pagsangayon ng mga miyembro ng Kongreso sa bagong rules na kanilang ipinatupad.
Kaya kung si Baguilat ang tatanungin, siya na dapat ang otomatikong kilalaning leader ng minorya sa Kamara.
(Grace Casin/UNTV Radio)