Rep. Edcel Lagman, naghain ng apela kaugnay ng desisyon ng Korte Suprema sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao

by Radyo La Verdad | July 21, 2017 (Friday) | 2726


Naghain si Rep. Edcel Lagman ng limanput apat na pahinang “motion for reconsideration” sa Korte Suprema ngayong umaga.

Kaugnay ito sa naging desisyon ng Supreme Court na pumapabor sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa Mindanao noong May 23.

Kasama sa naghain ng m-r sina Representatives Tom Villarin, Gary Alejano, Emmanuel Billones at Teddy Baguilat Jr.

Sa kanilang motion for reconsideration, sinabi ng mga mambabatas na mali ang desisyon ng Korte Suprema at pinahina aniya nito ang Power of Judicial Review ng Supreme Court.

Nandigan sina Lagman at co-petitioners na walang actual rebellion sa Marawi City at sa buong Mindanao nang dineklara ng pangulo ang martial law at suspension ng writ of habeas corpus.

Ang tumaas anila na bilang ng mga namatay na sundalo, terrorista, mga inosenteng sibilyan, at ang pagkasira ng public at private properties ay wala pa bago ang naging proklamasyon ng martial law.

Dahil aniya napahintulutan ang batas militar, nabigyan ang militar at pulis ng awtoridad na patuloy magsagwa air strikes at land assaults na nagresulta sa humanitarian crisis at lalong pagkasira ng Marawi City.

Tags: , ,