Release ng P12.7-B na ayuda sa magsasaka, inaprubahan na ni PBBM

by Radyo La Verdad | October 2, 2023 (Monday) | 1705

METRO MANILA -Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang pagre-release ng nasa P12.7 Billion na pondo para tulungan ang mahigit sa 2M mga magsasaka sa bansa.

Ang naturang pondo ay para sa Rice Farmers Financial Assistance (RFFA), na nagmula sa sumobrang taripa na nakolekta mula sa importasyon ng bigas noong 2022.

Layon ng hakbang na tulungan ang mga magsasaka sa gitna ng mataas na production cost ng mga pananim, at upang masuportahan rin ang produksyon ng mga pagkain sa gitna ng banta ng El nino.

Sa ilalim ng RFFA, ang bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng tig P5,000 na financial assistance.

Kasama sa mga magiging benepisyaryo ng cash assistance ang Farmers Association and Cooperatives, asosasyon ng mga irigasyon, agrarian reform beneficiaries, small water impounding systems association, at iba pang grupo ng mga magsasaka.

Tags: ,