Reklamong impeachment vs Pres. Duterte, posibleng hindi magtagumpay dahil sa house majority coalition

by Radyo La Verdad | May 4, 2017 (Thursday) | 1314


Hanggang ngayon nananatiling malakas pa rin ang super majority coalition sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Kaya posibleng hindi makausad ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay House Commiittee on Justice Representative Reynaldo Umali, sa susunod na linggo ay tatalakayin na nila ito sa komite.

Upang makausad ang isang impeachment complaint kinakailangan ang mayoryang boto ng mga mambabatas.

Sa 292 na miyembro ng Lower House, 267 dito ay miyembro ng majority coalition.

Para sa minority bloc, wala pa silang desisyon na usapin na ito.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring nagiendorso na mambabatas sa impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon sa House Speaker’s Office, natanggap din nila ang kopya ng impeachment complaint mula sa grupong “Impeach Leni Movement” ngunit wala pa itong endorso.

(Nel Maribojoc)

Tags: , ,