Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang rehabilitasyon at pagpapatibay sa southbound ng Quirino Bridge II sa Paco, Maynila.
Pinangunahan kaninang umaga ni DPWH Secretary Mark Villar ang pagbubukas sa bahaging ito ng tulay na una ng isinara noong Mayo para sumailalim sa pagkukumpuni.
Ayon kay Villar, malaki ang maitutulong ng pagbubukas ng southbound direction ng tulay sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko sa lugar.
Ang Quirino Bridge ay bahagi ng Circumferential Road 2 at itinutiring na mahalagang tulay na nag-uugnay sa Maynila, Pasay, Makati at iba pang bahagi ng Central at Eastern Metro Manila.
Bago matapos ang taon ay inaasahang mabubuksan na rin sa mga motorista ang northbound ng tulay.
Bago ang holiday season, sisikapin rin ng DPWH na mabuksan naman ang Otis Bridge sa Maynila.
Tags: DPWH, Maynila, Quirino Bridge II