Inaasahang bago matapos ang taon ay mauumpisahan na ng Department of Public Works and Highways ang rehabilitasyon ng Ormoc Airport.
Ayon sa lokal na pamahalaan, dadagdagan pa ng ilang metro ang runway at aayusin din ang bitak dito na idinulot ng 6.8 magnitude na lindol na yumanig sa syudad noong Hunyo.
Hinihintay lamang ng DPWH ang pondo na magmumula sa national government upang masimulan na ang proyekto.
Una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong bumisita ito sa syudad na isaayos ang terminal building ng paliparan na nasira ng bagyong Yolanda.
Tags: DPWH, Ormoc Airport, Rehabilitasyon