METRO MANILA – Sinimulan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang Philippine Identification System para sa mga batang Pilipino edad 1 hanggang 4 na taon.
Layon ng hakbang na maisama na rin ang mga menor de edad para sa pagpapa-rehistro ng national ID.
Upang maipa-register ang mga batang 1 hanggang 4 na taon, kinakailangan na rehistrado na rin sa PhilSys ang kanilang magulang o guardian.
Ayon sa PSA, ang itatalagang permanent identification number sa mga kabataan ay naka-link sa PhilSys identification number ng kanilang magulang o guardian.
Magdala lamang ng kopya ng PSA birth certificate o iba pang supporting documents upang ma-validate ang demographic information ng batang iparerehistro.
Tags: national ID, PhilSys, PSA