Recruitment umano ng ISIS sa mga menor de edad sa Cotabato City, pinabulaanan ng AFP

by Radyo La Verdad | December 10, 2015 (Thursday) | 1409

padilla

Lumabas sa mga ulat kamakailan na nagrerecruit umano ng mga out-of-school youth at menor de edad ang grupong ansar Al Khilafa Philippines o AKP na iniuugnay ang kanilang sarili sa Islamic State of Iraq and Syria o ISIS sa Cotabato City.

Subalit, una nang pinabulaanan ng AFP na may kaugnayan nga ang grupong ito sa ISIS.

Ang grupong ito ay bandido at tinutugis ng mga otoridad dahil sa kanilang criminal activities na pananakot ng pambobomba at pangingikil sa Sultan Kudarat.

Dagdag pa nito, ginagamit lang ng grupo ang pangalang ISIS upang makapangsindak.

Lumabas sa mga ulat na pinangangakuan umano ng 20 libong piso ang mga kabataang sasali sa akp.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines, patuloy ang recruitment ng mga pribadong armadong grupo subalit walang kumpirmasyon na ISIS recruitment nga ang mga ito.

Panawagan naman ng AFP sa mga magulang na maging responsable sa pagbabantay sa kanilang mga anak.

Dahil maituturing na madaling maimpluwensyahan ang mga kabataan lalo na kung exposed sa violence na maaaring mapanood sa internet at video games.

(Rosalie Coz / UNTV News Correspondent)

Tags: , , , ,