Reclamation activities ng China sa West Philippine Sea inimbestigahan ng Senado

by Radyo La Verdad | May 7, 2015 (Thursday) | 1747

1

Nagsagawa na ng imbestigasyon ang Senado ngayong araw ukol sa ginagawang reclamation activities ng China sa Kalayaan Group of Islands sa West Philippine Sea.

Nasa walong diplomatic protest na ang naihain ng Department of Foreign Affairs mula noong 2014 dahil sa teritorial dispute sa West Philippine Sea laban sa China at patuloy pa itong nadadagdagan.

Sa pagdinig kanina tinanong ni Senator Antonio Trillanes, Chairman ng Committee on National Defense Security ng Senado si Martime and Oceans Affairs AOffice ng DFA Asec. Benito Valeriano kung kalaban ba o hindi ang China.

“Your honor China is not an enemy in fact we have bilateral relations with China and diplomatic relations our approach to this is through the rule of law that’s why we sought arbitration” pahayag ni Veleriano

Para kay National Security Council Director General Cesar Garcia Jr., ang ginagawa ng China ay nangunguna na sa mga security concern ng bansa.

Panawagan naman ni International law expert Atty. Harry Roque na dapat kondenahin ang China hindi lamang ng ASEAN kundi ng International community sa ginagawa nitong reclamation activities sa West Philippine Sea.

Hiniling naman ng AFP na taasan ang kanilang budget para sa modernization program nito

Pabor si Senador Trillanes na lakihan ang budget ng AFP modernization program subalit kailangang balansehin ang hiling ng AFP batay sa pangangailangan ng bawat sektor tulad ng pag address ng kahirapan na maituturing din na national security issue na dapat harapin. (Bryan de Paz / UNTV News )

Tags: , , , ,