Rappler CEO Maria Ressa, abusado sa kapangyarihan bilang mamamahayag – Malacañang

by Radyo La Verdad | February 15, 2019 (Friday) | 14197

MALACAÑANG, Philippines – Iginiit ng Palasyo na naaayon sa batas ang pagkakasampa ng kaso laban kay Rappler CEO and Executive Editor Maria Ressa.

Pahayag ng Malacañang, mali at walang batayan ang mga paratang ni Ressa sa pamahalaan sa pag-aresto sa kanya ng National Bureau of Investigation dahil sa kasong cyber libel. Ito rin umano ang ginagamit niya upang hikayatin ang mga kapwa mamamahayag na manindigan laban sa pamahalaan.

Sinabi rin ng Palasyo na ang Korte ang nakakita ng probable cause dahilan upang iaresto ito. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang kinalaman ang Duterte Administration dito.


“Now you say there is an abuse of power, excuse me, Maria abuse of power? You are the one abusing your power as a journalist. You’re martialing your colleagues to support you, on the basis of a misplaced and baseless cause, what is the cause? You’re saying that the government is stilling fear because of the case filed against you. There is no connection whatsoever,” ani Panelo.

Pinayuhan din ni Panelo si Ressa na huminto na sa paninisi sa pamahalaan at sa halip ay sisihin na lamang ang mga abugado nito.

Samantala, may payo rin ang Malacañang sa mga sumusuporta kay Ressa sa loob at labas ng bansa. Payo ng Palasyo, nararapat na alamin muna ang mga katotohanan sa mga reklamong isinampa kay Ressa.

“The support obviously is coming from those, who had been either ignorant of the facts or misinformed of the facts,” ayon kay Panelo.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , , ,