Rainwater harvesting system, planong ipatupad sa Iloilo upang maresolba ang kakulangan sa supply ng tubig

by Radyo La Verdad | May 25, 2016 (Wednesday) | 1924

LALAINE_WATER-SHORTAGE
Ginhawa para sa mga residente sa probinsiya ng Iloilo ang pagpasok ng tag-ulan matapos ang ilang buwan ding panahon ng tagtuyot.

Pitong bayan ang nag-deklara ng state of calamity kabilang na ang Dueñas, Sta. Barbara, Calinog, Estancia, Dingle, Bingawan at Miag-ao dahil sa kakulangan sa supply ng tubig.

Sa kabila ng madalas na pag-ulan ay hindi pa rin nareresolba ang water shortage kaya isinusulong ng ilang ahensya ng pamahalaan, katuwang ang United States Agency International Development o U-S-AID ang pagpapatupad ng rainwater harvesting system.

Ito ay isang uri ng pagsahod at pag-iimbak ng tubig-ulan gamit ang iba’t ibang vessels gaya ng collapsible rubber tanks.

Mainam ito sa mga masisikip na lugar dahil maaaring ilagay sa ilalim ng bahay o sa pader ang mga tangke ng tubig.

Portable at maaari tong i-biyahe.

Maaari ding maglagay ng rain barrel at gutter down spout sa mga bahay upang makaipon ng 50 t0 100 gallons ng ulan.

May dalawang sistema ang rainwater harvesting – ang dry at wet system

Sa dry system, ilalagay sa bubong ang collection pipe upang maipon ang malaking volume ng tubig diretso sa tangke.

Habang sa wet system naman ay nakalagay sa underground ang collection pipe na nakakunekta sa multiple downspouts at mga gutter.

Kapag napuno ng tubig ang undergound piping ay dadaloy ito sa vertical pipes na nakaugnay naman sa tangke na nasa labas ng bahay.

May small farm reservior system din ito kung saan maaaring kulektahin ang tubig-ulan at run off water papunta sa tubigan o pool.

May small water impounding system rin kung saan ilalagay sa isang konkretong storage tank ang maiipong tubig.

Kung susundin ito ng bawat tahanan ay bababa ang volume ng tubig na kailangang kunin mula sa mga dam o water districts.

Maiiwasan din ang soil erosion at pagbaha dahil hindi na masa-saturate ng tubig ang lupa.

Bababa rin ng 50 to 60-percent ang bill sa tubig ng consumer at may maiipon ring tubig sa mga watershed para sa panahon ng tagtuyot.

Paalala naman nila sa mga gagamit ng rainwater harvesting system na linisin ang kanilang mga bubong, tubo at imbakan ng tubig at i-daan rin sa filtering process ang maiipong supply upang matiyak na ligtas itong inumin.

Umaasa naman ang Department of Agriculture na makatutulong ang sistema sa agrikultura lalo’t isa ang Iloilo sa top food producers ng bansa at itinuturing na food basket and rice granary ng Western Visayas.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: , ,