METRO MANILA – Posibleng lumuwag pa ang ipinatutupad na quarantine restrictions sa bansa sa susunod na 2 buwan.
Ayon sa UP Octa Research ito ay kung mapapanatiling mababa ang naitatalang kaso ng COVID-19.
“It has to be sustained for at least 1 to 2 months before maybe we can relax further iyong quarantine measures because we have to reduce number of cases because we are still getting 2,000 cases per day that is still big number for cases for NCR. That’s why we have to work together. Medyo nakikita na natin light at the end of the tunnel if we can sustain this.” ani UP Octa Research Dr. Guido David.
Magandang balita rin aniya na nakikitaan na ng flattening of the curve ang ilang lugar sa Pilipinas. Paalala naman ng DOH, dapat maging maingat sa paggamit ng terminong ” flattening of the curve”.
“Ayaw natin magkaroon ng complacency among the population. When we talk about flattening the curve, it is spreading the cases in a longer period of time so that our health systen will not be overwhelmed. Ang gusto natin ay humaba ang period of time para sa mga kasong darating, para ang health system ay nakakaagapay. That is the meaning of flattening the curve.” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.
Iinulat din ng DOH na nakaka-agapay na ang health system sa bansa pagkatapos ng 2 Linggong MECQ sa mga lugar na may mataas na kaso.
Katunayan, wala na sa warning zone ang critical care utilization sa bansa gaya ng tatlong rehiyong may matataas na kaso.
“Our critical care utilization natin sa ngayon kapag tinignan natin nasa 50 percent tayo for the whole country. Meaning 50% utilized, 50% available.” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: DOH, MECQ, Quarantine Restrictions