QAnon, pinagbawalan na ng Facebook sa kanilang plataporma

by Radyo La Verdad | October 8, 2020 (Thursday) | 11777

METRO MANILA – Sinimulan nang alisin ng Facebook ang mga accounts at groups ng conspiracy theory movement na QAnon, sa lahat ng plataporma nito.

Noong August 19, inanunsyo ng Facebook  sa blog post nito na sila na mismo ang gagawa ng aksyon sa pagaalis ng mga grupo at account na nanghihikayat ng karahasan tulad ng QAnon.

“We are starting to enforce this updated policy today and are removing content accordingly, but this work will take time and need to continue in the coming days and weeks. Our Dangerous Organizations Operations team will continue to enforce this policy and proactively detect content for removal instead of relying on user reports.” – Facebook, An Update to How We Address Movements and Organizations Tied to Violence, October 6,2020.

Nakapagalis na ang Facebook ng mahigit 1,500 na pages at groups ng QAnon na nanghihikayat ng karahasan sa mga contents nito.

Ayon pa sa Facebook, nagkakalat ng mali at delikadong impormasyon ang grupo.

Ang QAnon ay isang conspiracy theory movement na nagsasabing mayroong sikretong organisasyon ang Trump Administration laban sa grupo ng mga pedopilyang nagsasagawa ng child-sex trafficking ring.

Sa kasalukuyan, wala pang napapatunayan sa mga teorya na ito.

(Ariel Lyn Aranas | La Verdad Correspondent)

Tags: ,