Facebook users sa Pilipinas, maaari pa ring makapag-live selling – Meta

by Radyo La Verdad | August 10, 2022 (Wednesday) | 1009

METRO MANILA – Nilinaw ng social media giant na Meta, na maaari pa ring makapag-live selling sa Facebook ang mga FB user sa Pilipinas.

Ang klaripikasyon, ay kasunod ng anunsyo ng kumpanya na simula sa October 1, ay tatanggalin na nila, ang ‘live shopping’ feature sa Facebook.

Pero ayon sa Meta, ang ‘live shopping’ tool sa ay hindi available sa Pilipinas kundi sa mga piling bansa lamang.

Dahil dito maaari pa ring makapag-live selling ang mga FB users sa Pilipinas sa pamamagitan ng facebook live.

Tags: , ,