Puspusan na ang paghahanda ng mga otoridad para sa seguridad sa darating ng APEC Summit sa bansa

by Radyo La Verdad | November 11, 2015 (Wednesday) | 1342

REYNANTE_PUSPUSAN
Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng buong pwersa ng PNP Police Security Protection Group (PSPG) para sa ipatutupad na security measure sa pagdating ng mga world leader na dadalo sa gaganaping APEC Summit sa November 18 to 19.

Kaugnay nito ay nagsagawa ng ministers convoy dry run ang PNP kagabi.

Kasama sa dry run ang buong pwersa ng PNP magbibigay seguridad sa ruta at convoy ng mga delegado, gaya ng PNP Highway Patrol Group.

842 tauhan ng HPG ang ide-deploy para dito, 300 dito ang tutulong sa presidential security group na magbibigay seguridad sa mga head of state, 282 naman ang ibinigay sa Police Security Protection Group para naman sa seguridad ng mga minister.

Habang ang 227 na mga tauhan ng HPG ang nakatalaga sa Edsa partikular sa APEC lane.

Magtatalaga rin ng mga tauhan sa Roxas Blvd, MOA at PICC na malapit sa mga hotel na tutuluyan ng mga delegado.

Alas nuebe kagabi bago ang dry run nagsagawa muna ng briefing patungkol sa deployment ng security sa dadaanan ng convoy.

Pasado alas onse kagabi nagumpisa ang dry run mula sa Camp Crame patungo sa ibat ibang mga hotel na tutuluyan ng mga APEC leader at sa iba’t ibang venue kung saan gaganapin ang APEC Summit.

Kasama rin ng security detail sa convoy ng mga APEC delegates ang Presidential Security Group (PSG) at Manila Metropolitan Development Authority (MMDA).

Kabilang convoy ng bawat APEC leader ang apat na motorsiklo at dalawang mobile patrol cars.

Noong nakaraang linggo inilagay ng mmda ang mga plastic barrier sa APEC lanes na dadaanan ng mga convoy.

Naging maluwag naman ang daloy ng sasakyan sa isinagawang dry run.

Matapos ang isang oras ng dry run nagkaroon din ng post assessment sa ginawang aktibidad.

Muli namang nakiusap ang mga otoridad sa mga motorista na makiisa sa kanilang ipatutupad na security measures para sa mahalagang event na ito.(Reynante Ponte/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,