METRO MANILA – Tinatrabaho ngayon ng Philippine Government ang stand alone visit ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior kay United States President Joe Biden sa Washington DC.
Ayon kay Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez, posible itong mangyari sa Abril.
Ang tinitingnan aniya nila ngayon ay ang pagkakatugma ng schedule ng 2 lider.
Hindi pa rin pinal kung ito ay magiging state o official visit.
Sakaling matuloy ang state visit ni PBBM sa Washington DC sa Abril, ito ang magiging ka-una-unahan sa isang Philippine leader sa loob ng nakalipas na 19 na taon.
Tags: PBBM, US Pres Joe Biden, Washington DC