Magdaragdag ng tauhan ang pamunuan ng Philippine National Police sa mga paliparan sa bansa.
Ito kasunod ng nangyaring pambobomba sa airport ng Brussels, Belgium at upang matiyak ang seguridad ng mga biyahero ngayong holiday break.
Ayon kay PNP Spokesman P/CSupt. Wilben Mayor, nakipag-ugnayan na siya kay PNP Aviation Security Group o AVSEGroup Director Francisco Balagtas para sa gagawing adjustment sa security set up sa mga airport.
Bukod dito humiling din sila ng karagdagang isang daang tauhan mula sa kanilang training school sa laguna na ipadadala sa naia.
Inatasan na rin ang mga Police Regional Director sa Pilipinas na magdagdag ng pwersa sa mga nasasakupang paliparan.
Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit apat na libo at limang daang pnp personnel ang nakatalaga sa mga transportation hub kabilang ang airport, seaport at mga terminal.
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)