Publiko, hinikayat na magtipid ng kuryente ngayong tag-init

by Radyo La Verdad | March 21, 2023 (Tuesday) | 6377

METRO MANILA – Tiniyak ng National Water Resources Board (NWRB) na sapat ang supply ng tubig sa bansa.

Ito ay sa gitna ng paparating na tag-init at nagbabadyang  El Niño.

Ayon sa NWRB kabilang sa kanilang paghahanda  ay ang pag-iimbak ng tubig at pagre-reactivate ng mga deep well.

Samantala hinikayat ng Presidential Communications Office (PCO) ang publiko na simulan na ang maayos at matipid na paggamit ng kuryente ngayong papalapit na ang panahon ng tag-init.

Ayon sa PCO, hindi lamang sa mga kabahayan dapat gawin ang pagtitipid ng kuryente kundi maging sa office o mga workplace.

Ilan sa ikinosiderang paraan ng pagtitipid sa mga opisina ng gobyerno ay ang  mas maagang pagbubukas sa mga tanggapan partikular ng alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon at paglalagay sa 25 degrees ang temperatura ng mga air condition sa mga government offices.

Tags: ,