Dagdag-singil sa kuryente ng Meralco, ipatutupad ngayong Enero

by Radyo La Verdad | January 11, 2024 (Thursday) | 5276

METRO MANILA – Magpapatupad ng panibagong dagdag-singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Enero.

Base sa anunsyo ng power distributor, magkakaroon ng P0.08 per kilowatt hour na dagdag sa electric bill ngayong Enero dahil sa pagtaas ng presyo ng kuryente sa spot market.

Nangangahulugan ito ng dagdag na P17 para sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour ng kuryente sa loob ng 1 buwan.

P25 na dagdag kung 300 kilowatt hour, P34 kung 400 kilowatt hour, at P42 naman kung umaabot ng 500 kilowatt hour ang konsumo.

Samantala, sa ngayon ay wala pang nakikita ang Meralco na banta ng brownout sa darating na summer season o dahil sa epekto ng El nino phenomenon.

Tags: ,