METRO MANILA – Nagbabala ang faculty members ng University of the Philippines school of statistics kaugnay sa mga naglalabasang resulta ng sari-saring survey.
Sa isang pahayag sinabi ng UP College of Statistics na dapat maging mapanuri ang publiko sa tinatawag nilang kalye survey na karaniwang ginagawa ng mga vlogger o social media personalities.
Bukod pa rito, mayroon rin anilang ilang PR companies, private individuals at kung minsan ay ilang media ogranizations ang nagpa-publish ng resulta ng survey.
Payo ng mga eksperto sa publiko, maging mapanuri sa mga ganitong klase ng survey at alaming mabuti kung katiwa-tiwala o kung tama ba ang pamamaraan na kanilang ginagamit.
Babala pa ng UP stat faculty, maaari rin itong pagmulan ng pagiging bias, kung saan pwedeng maimpluwensyahan ng nag-iinterview ang isasagagot ng mga respondent.