METRO MANILA – Binibigyang proteksyon ng PhilSys Registry ang lahat ng mga rehistradong impormasyong nakalap sa Philippine Identification System.
Ayon sa inilabas na post ng Philippine Statistics Authority (PSA), ginagarantiya nila na lahat ng detalye na nakuha nila sa mga rehistradong indibidwal ay mapo-proteksyunan.
Nakasaad naman sa Republic Act 11055 o ang PhilSys Act, “The information in the PhilSys Registry shall be classified in a manner that allows safeguards for data privacy and security, access controls, and change management.”
Kung sakali namang nawala o nasira ang National ID, hindi ito magagamit ng kahit sino at ang lahat ng impormasyon na nakatala ay hawak ng PhilSys Registry na pinamamahalaan ng PSA.
Pinirmahan ni Pangulong Duterte noong Agosto 2018 ang PhilSys Act na kung saan upang magkaroon ng iisang ID ang lahat ng Pilipino maging ang mga resident alien na magsisilbing valid proof o patunay ng pagkakakilanlan sa mga transaksiyon mapa-publiko man o pribado.
(Judren Soriano | La Verdad Correspondent)