PSA, binalaan ang publiko sa illegal data collection schemes

by Radyo La Verdad | October 23, 2023 (Monday) | 2400

METRO MANILA – Binalaan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko nitong Biyernes, October 20 na huwag basta-basta maniwala sa mga ilegal na paraan ng pagkuha ng datos kaugnay ng Phil-ID

Nilinaw ng ahensya na wala silang isinasagawang aktibidad kaugnay ng scanning ng mga Phil-ID card o E-Phil-ID, o anomang uri ng pagkolekta o ng mga hindi awtorisadong pagveverify ng datos.

Pinag-iingat din ang publiko na huwag ipagkatiwala ang sariling Phil-ID, E-Phil-ID, o anomang personal na impormasyon sa sinomang indibidwal o grupo na nagpapanggap na kinakatawan ng PSA para magsagawa ng pagsusuri, pagkolekta, o pag-verify ng mga ito dahil maaari magdulot ng panganib sa privacy at seguridad.

Hinihikayat ng ahensya ang publiko na agad na ireport ang mga ito via email sa kanilang fraud management division o bumisita sa PhilSys registration center.

Tags: