METRO MANILA – Pormal nang isusumite mamaya (August 22) ng Malakanyang ang panukalang pondo ng bansa para sa susunod na taon.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), nasa P5.268 trillion ang proposed national budget para sa taong 2023.
Mas mataas ito ng P244-B kumpara noong 2022 budget. Ito rin ang pinakamalaking pondong ipinanukala ng gobyerno.
Kabilang naman sa budget priorities ng administrasyon ang edukasyon, kalusugan, social safety nets, imprastraktura at agrikultura.
Positibo naman ang mga mambabatas na matatapos nila ang deliberasyon bago ang deadline sa September 30.
Isasagawa ang deliberasyon para sa 2023 national budget sa August 26 at inaasahang matatapos ito sa September 16.
(Aileen Cerrudo | UNTV News)
Tags: 2023 national budget, DBM