Project monitoring technology, inilunsad ng DBM upang maiwasan ang ghost projects

by Radyo La Verdad | March 8, 2018 (Thursday) | 3174

Kaakibat laban kontra kurapsyon ang ginagawang mahigpit na pagbabantay sa mga proyekto at programa ng pamahalaan. Kabilang dito ang mga malalaking infrastructure projects sa ilalim ng Build Build Build program.

Kaugnay nito, inilunsad ng Department of Budget and Management at Department of Science and Technology ang “Project Dime” o digital imaging for monitoring and evaluation.

Sa naturang project monitoring technology, gagamit ang ahensya ng iba’t-ibang teknolohiya tulad ng lidar, geotagging, satellites at drones upang makita ang usad ng mga proyekto.

Ngayong 2018, 75 major projects ang imomonitor na mabuti ng DBM. Kabilang na ang konstruksyon at pagsasa-ayos ng mga pangunahing kalsada papuntang airports at seaports, mga itatayong bagong pasilidad ng Health Department, railway projects, at irigasyon.

Kung makikitang hindi ito umuusad, agad itong isusumbong kay Pangulong Duterte.

Ayon sa DBM, sa pamamagitan ng bagong monitoring system, mababawasan ang korapsyon at maging ang mga tamad na mga opisyal ng pamahalaan.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,