METRO MANILA – Humingi ng tulong kay Kuya Daniel Razon sa pamamagitan ng kanyang programang Serbisyong Bayanihan at ng mga kaanib sa Members Church of God International (MCGI) Singapore Chapter ang 72 taong gulang na si Danilo Cruz Dania ng Makati City.
Dalawampung (20) taon nang pinahihirapan ng sakit na diabetes at highblood si tatay Danilo. Dahil rin sa sakit na ito, naputulan siya ng isang paa at mula noo’y hindi na nakakapag hanapbuhay.
Nabiyayaan siya ng puhunan upang makapagtinda ng mga frozen goods sa kanilang lugar. Kasama nito, pinagkalooban rin siya ng tablet para sa mga apo niya at ng mobile phone para sa kaniyang sarili.
Minabuti rin ni Kuya Daniel na maisangguni sa UNTV Digital Clinic si Danilo upang mapatingnan ang kanyang karamdaman. Matagal ng tagasubaybay si Danilo ng mga programa ni Kuya Daniel gaya ng Good Morning Kuya.
Si Delia Gayo naman mula sa Camarines Norte ay kasama rin sa pinagkalooban ng kabuhayan upang makapagtinda sa kanilang lugar.
Samantala, binalikan naman ng grupo sina Ana Marie Baynosa at Anna Jagunos, pawang taga Valenzuela City, upang masigurado na natanggap nila ang mga kaloob na Tablet, gamot, at relief goods mula sa programa at MCGI-UK Chapter.
Ang programang Serbisyong Bayanihan ni Kuya Daniel Razon ay sabayang mapapanood at mapakikinggan sa UNTV at Radyo la Verdad 1350 mula Lunes hanggang Biyernes, tuwing alas-9 ng umaga, alas-11 ng umaga at alas-4 ng hapon.
Sa mga ibig humingi ng tulong, mangyari lamang na tumawag sa mga sumusunod na hotline: Globe: 0965 603 1559, 0915 387 3967 , Smart: 0930 987 3735 , Landline No.: 8-396-8688 (Local 3102) o sumubaybay sa programa sa UNTV News & Rescue Facebook at Youtube Channel.
(Beth Pilares | La Verdad Correspondent)
Tags: Serbisyong Bayanihan