Nananatiling malaking hamon sa pamahalaan ang paghahanap ng solusyon upang matugunan ang pangangailangan na dagdag-trabaho para sa mga bagong graduate ngayong taon.
Posibleng umabot sa mahigit kalahating milyong graduates ang madadagdag sa mga maghahanap ng trabaho ngayong taon.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, sa kabila ng paglago ng ekonomiya ng bansa batay sa World bank, aminado ang malakanyang na kailangan pa ring matugunan ang usapin ng pagtataas ng kalidad ng buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng paglikha ng mga oportunidad o trabaho.
Kaugnay nito, hinihikayat ng pamahalaan ang lahat ng kabataan na sumailalim sa technical vocational course na ini-aalok ng tesda kung saan makakakuha sila ng karagdagang kaalaman upang agad na makakuha ng trabaho.
Tags: kakulangan ng trabaho, mga bagong graduate, Pamahalaan