Privatization at pag-alis sa Case Rate Payment Scheme, inirekomenda sa gitna ng usapin ng anomalya sa PhilHealth

by Erika Endraca | August 15, 2019 (Thursday) | 9205

MANILA, Philippines – Nangangamba si Senator Franklin Drilon sa buhay ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kaugnay sa kakayanan pa nitong magbayad ng claims at benepisyo sa mga miyembro nito sa susunod na 10 taon.

Ito ay sa gitna ng naiulat ng Commission On Audit (COA) na net operating loss ng ahensya kada taon na umaabot sa bilyon bilyong piso. Bagay naman na idepensa ng PhilHealth.

“Those were the years that we increased the benefits without the increased in premiums” ani PhilHealth Vice President Data Protection Officer, Nerissa Santiago.

“I do not know how to sustain these in the next 10 years, if you keep on incurring a net operating cost at the end of the day, you might see a collapsing PhilHealth” ani Sen. Franklin Drilon.

Nadagdagan pa ang pangamba ng ilang senador dahil na rin sa nabulgar na umanoy anomalya at korapsyon kabilang dito ang umanoy overpayment at ghost dialysis patients.

Inirekomenda naman ni dating health secretary at ngayon ay Iloilo Representative Janette Garin na tanggalin na ang Case Rate Scheme at i-privatize ang ilan sa operasyon ng state insurance. Ito ay upang maiwasan na rin ang korapsyon.

“Scrap the case rate case, third push through for the individual membership on smaller premium para mawala po ang ghost members” ani Former DOH Secretary Rep. Janette Garin.

Samantala, dumipensa naman si health secretary Francisco Duque III sa isyu ng conflict of interest sa PhilHealth.

Kung saan ang isang regional office ng PhilHealth ay umuupa sa establishimento na pagmamayari ng pamilya Duque.

“With due respect, hindi po, pina-terminate na namin because its business decision” ani DOH Francisco Duque III.

Ayon naman sa NBI, iimbestigahan na rin nila ang umanoy anomalya sa PhilHealth. Ngunit umatras na umano ang isang whistle blower .

(Nel Maribojoc | Untv News)

Tags: ,