Price freeze sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño, ipinatupad ng DTI

by Radyo La Verdad | April 21, 2016 (Thursday) | 6666

MON_DTI
Nag-issue ng price freeze order ang Department of Trade and Industry sa mga lugar na nasa state of calamity dulot ng El Niño.

Kaya hindi maaaring tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at dapat ay naaayon sa suggested retail price ng dti ang halaga ng mga ito.

Epektibo sa loob ng anim na pung araw ang price freeze.

Kabilang sa mga hindi maaaring itaas ang presyo ay ang sardinas, gatas, kape, sabong panlaba, kandila, tinapay, asin, instant noodles at bottled water.

Layon ng price freeze na matulungan ang mga naapektuhan ng pananalasa ng El Niño lalo na at bilyong pisong halaga na ng mga pananim ang nasalanta.

Sa tala ng Department of Agriculture, umabot na sa mahigit apat na bilyong piso ang pinsala ng El Niño sa agrikultura.

Apektado rin ng el niño ang mahigit limampung libong magsasaka sa buong bansa.

Pinaka naapektuhan ay ang Northern Mindanao na umabot na sa mahigit tatlong daang milyong piso ang halaga ng pinsala na sinusundan ng Western Visayas na nasa mahigit dalawang daang milyon naman ang pinsala.

Ayon sa DTI, kailangang maging mapagbantay ang mga consumer lalo na at marami ang sinasamantala ang mga ganitong sitwasyon.

Lahat ng mapapatunayang lumabag sa price freeze ay pagmumultahin ng isang milyong piso at maaaring makulong ng hanggang sampung taon.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,