Price freeze hindi na palawigin ng DTI kahit pa na-extend ang martial law sa Mindanao

by Radyo La Verdad | August 2, 2017 (Wednesday) | 3615

Nagdesisyon ang Department of Trade and Industry at iba pang sangay ng pamahalaan sa  isinagawang national price meeting kahapon na huwag ng palawigin pa ang unang ipinatupad na price freeze sa Mindanao.

Ito ay umiral kasabay ng martial law declaration ni Pangulong Rodrigo Duterte sa rehiyon dahil sa kaguluhan sa Marawi City.

Ayon sa DTI, wala na silang namomonitor na posibleng maging sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produkto.  Wala rin anilang nakikitang kakulangan sa supply ng prime commodities.

Ngunit ayon sa DTI, mahigpit nilang babantanyan kung ipinatutupad sa mga pamilihan sa Mindanao region ang mga itinakdang suggested retail price ng mga produkto.

Ito ay upang matiyak na hindi maabuso ang mga konsumer.

 

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

Tags: , ,