Price cap sa bigas, opisyal nang inalis ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

by Radyo La Verdad | October 12, 2023 (Thursday) | 7479

METRO MANILA – Opisyal nang inalis ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang ipinatutupad na price ceiling sa bigas.

Sa bisa ng Executive Order 42, binabawi na ang inilabas na Executive Order Number 39 ukol sa implementasyon ng price cap sa bigas.

Ang pagbawi sa price cap ay base sa naging rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI).

Tags: , , ,

PBBM, tiniyak na maihahatid ang tulong para sa mga residente ng typhoon-hit areas

by Radyo La Verdad | May 29, 2024 (Wednesday) | 22083

METRO MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na maihahatid ang tulong para sa mga residenteng naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Aghon.

Ayon kay PBBM, inatasan na nito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA) at Department of Health (DOH) na ihatid ang lahat ng tulong at suportang medikal sa mga biktima ng bagyo.

Reresponde rin kaagad aniya ang pamahalaan upang maisaayos ang mga nasirang imprastraktura.

Siniguro rin ni Pangulong Marcos na may nakaantabay pang pondo para sa typhoon-hit areas.

Tags: , , ,

NFA, tiniyak na sapat ang supply ng bigas para sa La Niña

by Radyo La Verdad | May 28, 2024 (Tuesday) | 8171

METRO MANILA – Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na sapat ang supply na bigas para sa La Niña.

Sa ulat ng NFA, triple ang dami ng rice buffer stock sa pamamagitan ng bagong pricing scheme.

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, nasa 2.8-M sako ng palay ang nasa bodega ng NFA at na nasa mataas na buying price range na P17 – P23 kada kilo ng sariwa o basang palay at mula P23 – P30 naman ang kada kilo ng malinis at tuyong palay.

Dagdag pa ni Lacson, sapat naman aniya ang stock na bigas mula sa 126,000 metric tons ng milled rice at patuloy pa itong nadaragdaga upang masiguro ang 300,000 metric tons na rice buffer stock na target ng ahensya para sa nagbabantang La Niña phenomenon.

Nakikipagugnayan naman ang NFA sa Department of Agriculture (DA), gayon din sa PhilMech, pribadong sektor at mga non-profit organization para makakuha ng mga drying facility para sa wet harvest season.

Tags: ,

Malaking papel ng nat’l govt sa importasyon ng bigas, isa sa paraan upang mapababa ang presyo ng bigas – PBBM

by Radyo La Verdad | May 17, 2024 (Friday) | 2895

METRO MANILA – May nakikitang magandang solusyon ang pamahalaan upang

mapababa ang presyo ng bigas.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Junior batay na rin sa pag-uusap ng 2 kapulungan ng Kongreso, kung mas magiging malaki ang papel ng gobyerno sa importasyon ng bigas, posibleng mapababa nito ang halaga ng bigas sa merkado.

Binigyang diin ni PBBM, na ise-certify niya bilang urgent bill ang panukalang amiyenda sa Rice Tariffication Law.



Tags:

More News