Prevention at control measures upang mapigilan ang pagdami ng lamok, itinuro sa Brgy.Benedicto, Jaro, Iloilo

by Radyo La Verdad | September 15, 2016 (Thursday) | 2555

vincent_zika-prevention
Tinuruan ng Department of Health ang mga residente Brgy.Benedicto sa Jaro, Iloilo City sa mga pamamaraan sa pagsugpo ng pagdami ng mga lamok.

Kabilang na dito ang pagsasagawa ng 4s o Search and Destroy Mosquito Breeding Places, paggamit ng self-protection measures katulad ng insect repellants at mosquito nets, seek medical consultation sa oras na makaranas ng sintomas ng sakit at say yes to fogging para sa mga lugar na paboritong pamugaran ng lamok

Binigyang diin naman ng ahensya ang pagpapanatili ng kalinisan sa loob at labas ng bahay at sa pakikiisa sa mga isasagawang clean-up drives sa kani-kanilang lugar.

Sa ngayon ay may ang 3 positive Zika virus cases sa Barangay Benedicto sa Jaro, Iloilo City.

Nakakuha rin ng maraming samples ng mga kiti-kiti ng aedes aegypti na lamok sa naturang barangay na siyang carrier ng Zika, dengue at chikungunya virus.

Bukas ay nakatakdang magsagawa ng inside residual spraying sa loob ng mga bahay sa lugar at targeted fogging sa Barangay Benedicto, Iloilo.

Nananawagan naman ang DOH sa residente na huwag mag-atubili na lumapit sa mga health centers sakaling makaranas ng sintomas ng Zika.

(Vincent Arboleda / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,