Entry ng mga kabataang composers mula sa Iloilo, pasok na sa grand finals ng ASOP Year 7

by Radyo La Verdad | April 23, 2018 (Monday) | 9310

Tinanghal na ASOP April monthly finals winner kagabi ang awiting “Salamat Panginoon” na likha nina Elmar Jan Bolano at Rex Torremoro mula sa Iloilo.

Ang 22-year old amateur composers ang pinakabata sa anim na grand finalists na nakapasok na ngayong taon.

Dahil sa pagkapanalo sa unang pagsali pa lang sa kumpetisyon, mas na-inspire anila silang magkaibigan na ipagpatuloy pa ang pagsulat ng papuring awit sa Panginoon.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,