Pitong entries na ang pasok sa grand finals ng “A Song of Praise” o ASOP Year 7

by Radyo La Verdad | June 6, 2018 (Wednesday) | 6780

Labingdalawang entries ang muling maglalaban-laban sa ASOP grand finals ngayong taon.

Sa ngayon, pitong entries na ang may secure spot sa grand finals. Kabilang sa mga ito ang mga awiting Isang Milyong Pasasalamat, Binago Mo Ako, Magpatuloy sa Mabuting Paggawa, ‘Wag kang Bibitiw, God is with Us, Salamat Panginoon at pagbabalik

Samantala, nagsimula na ang paghahanda ng mga composer para sa album recording sa pangunguna ng ASOP resident judge na si Doc Mon Del Rosario.

Ayon sa resident judge, nakikitaan niya ng potensyal na maging hit ang ilan sa mga entry.

Ngayon pa lamang ay malaki na ang pagpapasalamat ng mga composer sa mga natutunan sa kanilang ASOP experience.

Samantala, may payo naman si Doc Mon sa mga grand finalist lalo na sa mga amateur composers.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,