ASOP Year 6 grand finalist, muling nakapasok sa grand finals ngayong taon

by Radyo La Verdad | March 26, 2018 (Monday) | 10590

Matapos mapabilang sa grand finals ng A Song of Praise o ASOP noong isang taon ang komposisyon ni Emmanuel Lipio Jr., na-inspire muli itong lumikha ng awit sa Panginoon.

At kagabi, hinirang na March monthly finals winner ang bagong song entry ni Lipio na “God Is with US”.

Ikinagagalak naman ng interpreter na si Cello Nuñez na maging bahagi ng ASOP.

Si Lipio na ang ikalawang dating ASOP grand finalist na muling nakapasok ngayong taon bukod kay Year 3 finalist Oliver Narag.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,