Awiting “Beside Your Heart”, pasok sa huling Monthly Finals ng ASOP Year 6

by Radyo La Verdad | October 16, 2017 (Monday) | 8438

Tagumpay sa kanyang pagbabalik sa A Song of Praise o ASOP Music Festival ang composer na si Shanne Kim Lumanog, ito ay matapos tanghalin ang likha nitong awit na “Beside Your Heart” na second weekly winner para sa producer’s pick episode ngayong buwan ng Oktubre.

Una nang tinanghal na third weekly winner ang awit ni Shane noong buwan ng Setyembre ngunit bigo itong mapili bilang Song of the Month.

Pinuri naman ng interpreter na si Zsaris si Shanne dahil sa pagiging receptive nito sa mga komento ng mga hurado.

Ayon sa kanya, ito ang naging susi para manalo ang kanta sa weekly finals.

Tatangkain naman nina Shane at Zsaris na makahabol sa grand finals ng ASOP Year 6 kung mananalo ngayong October Monthly Finals.

Samantala, nagpasalamat naman ang Guest Asop Judge na si Pinky Amador na muling maging bahagi ng songwriting competition.

 

( Darlene Basingan / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,