Presyo ng white sugar, posibleng bumaba sa P70-P80 per kilo sa Nobyembre

by Radyo La Verdad | September 21, 2022 (Wednesday) | 2187

METRO MANILA – Posibleng bumaba na sa P70 – P80 ang kada kilo ng asukal sa Nobyembre.

Ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA), sakto ang pagdating ng 150 ,000 metric tons na inangkat na puting asukal kasabay ng kasagsagan ng lokal na produksyon.

Nagtataka naman ang kinatawan ng sugar cane planters sa SRA board kung bakit umabot sa mahigit sa P100 ang kada kilo ng asukal gayong mababa lang itong nakuha sa kanila.

“So it’s a big misinterpretation na kumikita si farmer ng ganun kalaki because eto yung kita sa palengke hindi yan totoo.” ani SRA Board Member, Planter’s Representative Pablo Luis Azcona.

Tags: ,