Pagkatapos ng dalawang sunod na oil price rollback, muling magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa oil industry players, 10-20 sentimos ang madadagdag sa halaga ng gasolina kada litro. 30-40 sentimos naman sa diesel at 40-50 sentimos ang kerosene.
Ayon sa Department of Energy (DOE), malaki ang naging epekto ng pagbagsak ng halaga ng piso sa presyo ng langis.
Halos umabot na sa 54 pesos ang palitan ng piso sa dolyar noong nakaraang linggo.
Ang dolyar ang ginagamit na pambili sa inaangakat na produktong petrolyo sa ibang bansa.