Posibleng tumaas ang presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Sa pagtaya ng oil industry players, dalawamput lima hanggang tatlumpung sentimos ang madaragdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Tatlumpu hanggang apat napung sentimos sa bawat litro ng diesel at limampu hanggang anim napung sentimos naman sa kerosene.
Ang price hike ay bunsod umano ng patuloy na pagbaba ng supply ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Ayon naman sa Department of Energy o DOE, bagamat pataas ang presyo ay hindi pa napapanahon na magtaas ng singil sa pasahe sa mga pampasaherong jeep.