Presyo ng mga produktong petrolyo, muling tumaas

by Radyo La Verdad | February 6, 2018 (Tuesday) | 7321

Ilang kumpanya ng langis ang muling nagpatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ngayong araw.

Unang nagpatupad ng oil price hike ang Flying V kaninang madaling araw. Singkwenta sentimos kada litro ang nadagdag sa halaga ng gasolina, trenta y singko sentimos sa diesel at sisenta sentimos naman sa kerosene.

Mamayang alas sais naman ng umaga ay kaparehong halaga ang ipatutupad na rollback ng Shell, Petron at Seaoil sa kanilang gasolina, kerosene at diesel.

Ganito rin ang presyong itataas sa gasolina at diesel ng PTT Philippines, Eastern Petroleum, Unioil, Jetti Petroleum at Phoenix Petroleum.

Wala namang magiging pagtaas sa presyo ng kanilang kerosene.

Tags: , ,