Presyo ng pangunahing bilihin, dapat mas mababa pa – consumer group

by Jeck Deocampo | January 3, 2019 (Thursday) | 39586

METRO MANILA, Philippines – Naniniwala ang Laban Konsyumer Group na dapat ay mas mababa pa ang presyo ng mga pangunahing bilihin ngayon sa mga pamilihan. Ito ay dahil bumaba na umano ang farm gate price dahil na rin sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.

Hindi lamang dapat stable ang presyo ng pangunahing bilihin dapat ito mababa pa dahil ang farm gate price ng gulay at manok at baboy ay mababa. ‘Yung mababang presyo ng farm gate prices hindi agad mag reflect sa retail kaya dapat tutukan talaga ng monitoring at enforcement,” pahayag ni Vic Dimagiba, presidente ng Laban Konsyumer Group.

Ayon naman kay Wilson Lee Flores, isang ekonomista, magiging stable ang presyo ng mga bilihin sa mga unang buwan ng taong 2019. Ngunit kailangan aniya bantayan ang epekto sa ekonomiya dahil sa trade war sa pagitan ng Amerika at Tsina. 

Ani Flores, “May kaunting epekto sa paghina ng ekonomiya ng buong mundo pero ang magandang balita (dahil) ang Pilipinas at Asya, malakas pa rin ang ekonomiya natin.

Dagdag pa ng ekonomista, hindi na masyado mabibigla ang mga tao sa panibagong dagdag-buwis na ipapataw ngayong taon dahil naumpisahan na ito noong 2018. 

(Mon Jocson | UNTV News)

Tags: , , , , , , , ,