METRO MANILA – Nagsimula ng bumaba sa P2/kilo ang presyo ng palay na nabibili sa parteng Norte at Central Luzon.
Ayon kay Geevie David Presidente ng Intercity Rice Mill, nitong nakaraang araw lang ay dumagsa na ang maraming palay galing Isabela, Bataan, Pampanga , at Ilocos Norte.
Kasabay nito ay dumating narin ang imported na bigas na inangkat ng pamahalaan na karamihan ay mula sa Vietnam.
Ainya mas mababa ang presyo ng imported na bigas kung ikukumpara ito sa presyo ng commercial rice
Sa ngayon naglalaro sa P2,200 hangang P2,300 per kaban o P44 hanggang P46 ang per kilo ng imported rice.
Mas mababa ito ng P2 – P4 kumpara sa commercial rice 2,400 hangang 2,600 o 48 hanggang P52 per kilo.
Samantala kung magtutuloy-tuloy naman ang suplay ng palay sa intercity rice mill, pag-asa ng pamunuan ay bumaba narin an ang presyo ng local rice sa mga susunod na araw at buwan dahil sa anihan.