PBBM, pinatutukoy ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng itlog

by Radyo La Verdad | January 25, 2023 (Wednesday) | 584

METRO MANILA – Inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na makipagpulong sa mga nagbebenta at mga producer ng itlog.

Ito ay upang matukoy kung bakit maging ang presyo ng itlog ng manok ay tumataas na rin nitong mga nakaraang Linggo sa kabila na sapat ang supply ng itlog sa merkado.

Ayon sa pangulo, nais niyang marinig ang paliwanag ng egg producers at traders.

Pahayag ng DA, dapat ay nasa P7 hanggang P7.50 lang kada piraso ng itlog pero ngayon ay umaabot pa ito hanggang P9.60.

Tags: , ,