METRO MANILA – Babawasan ng National Food Authority (NFA) ang presyo ng NFA rice para sa mga retailer at ilang ahensya ng gobyerno.
Mula sa P27 ay gagawin ng P25 ang kada kilo. Kabilang sa mga ahensyang may discount ay ang DSWD, BUCOR, BJMP at mga lokal na pamahalaan.
Ibababa na rin sa P23 ang kada kilo ng presyo ng NFA rice para sa mga retailer mula sa P25 kada kilo.
Nangangahulugan ito ng P200.00 kita sa kada sako ng bigas.Pero hindi mababawasan ang presyo ng NFA rice para sa mga mamiili na P27 kada kilo.
“Para mas magaan, mas mabilis yung paglabas ng mga imported rice stocks ng national food authority” ani Agriculture Secretary William Dar.
Samantala sa datos ng NFA noong October 17 nasa 2.5 Million na sako pa ng imported na bigas ang nasa kanilang mga bodega.
(Rey Pelayo | UNTV News)
Tags: NFA rice, Retail price