METRO MANILA – Magkakaroon ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas araw ng Martes (June 11).
Batay sa inisyal na pagtaya ng mga oil company, maaaring bumaba ng P1.20 – P1.40 ang presyo ng kada litro ng Diesel.
Magkaroon din ng tapyas sa presyo na P0.50 – P0.70 sa presyo naman ng kada litro ng gasolina.
Posible rin ang rollback na P1.10 hanggang P1.30 ang kada litro ng kerosene.
Mamaya, iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang final price adjustment na ipatutupad nila bukas.
Ayon sa industry players, bunsod pa rin ito ng pabago-bagong galaw sa presyo ng langis sa international market.
Marami rin ang kasalukuyang supply ng mga oil producing countries kaya bumaba ang oil price.
Tags: oil price rollback