Presyo ng gulay sa Benguet at Baguio City, bumaba dahil sa sobrang suplay

by Radyo La Verdad | August 2, 2017 (Wednesday) | 5134

Bumaba ng sampung piso ang presyo ng mga gulay na inaangkat mula sa lalawigan ng Benguet at Baguio.

Ang carrots na dating 45 pesos kada kilo ngayon 20-23 kada kilo. Ang repolyo, wombok at pechay na dating 20 pesos kada kilo bumagsak ng 10-16 per kilo. Ang dating 55 pesos per kilo na patatas, ngayon ay naglalaro na lang sa  30-45 pesos per kilo at ang sayote mabibili ngayon ng 5-6 pesos kada kilo.

Ayon kay Agot Balanoy, tagapagsalita ng League of Associations La Trinidad vegetable trading ang pagbasak presyo ay epekto ng pagdami ng suplay ng gulay. Aniya nag sabay-sabay ang pagdating ng mga inaning gulay nang mabuksan ang ilang mga national roads patungo sa La Trinidad trading post.

Samantala, nanatiling sarado pa rin ang apat na kalsada patungong Cordillera. Ang mga ito ay ang baay and manicbel bridge along Abra-Cervantes Road, Kiangan-Tinoc-Buguias Boundary Road sa Ifugao, Tabuk-Bontoc-Banaue Road sa Kalinga, at Junction Talubin-Barlig-Natonin-Paracelis-Calaccad Road sa Mt. Province.

One lane passable naman ang Tawang-Ambiong Road, Baguio City Limit – Sto. Tomas Road , Banaue -Hungduan-Benguet Boundary Road at Baguio – Bontoc Road Namatec Section

 

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , ,