Presyo ng gulay pinangangambahang tumaas dahil sa El niño – DTI

by Erika Endraca | April 12, 2019 (Friday) | 13348

Manila, Philippines – Aminado ang Department of Trade and Industry (DTI) na posibleng tumaas ang presyo ng gulay sa merkado dahil sa El niño.

Kaya sa pagpupulong ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaang bahagi ng National Price Coordinating Council, paguusapan ang mga hakbang na gagawin upang i-mitigate ang epekto nito.

Ayon sa DTI, dapat matulungan ang mga magsasaka na maipagpatuloy ang kanilang produksyon sa kabila ng matinding init ng panahon.

“Gulay talaga iyong binabantayan natin because of the drought now happening in several regions in the country, so production has halted i understand. And we intend to address this through the npcc [national price coordinating council] by finding out how we can help farmers continue production or minimize at least the ill effects of el niño.” ayon kay DTI Consumer Protection Group Undersecretary  Ruth Castelo

Pero ayon sa DTI, nakikipag-ugnayan sila sa pag-asa at iba pang ahensya ng pamahalaan para malaman ang posibleng maging lawak ng epekto ng El niño sa agrikultura.

(Rey Pelayo | Untv News)

Tags: ,