Presyo ng bigas, posibleng umabot sa P60/kilo – Farmers’ group

by Radyo La Verdad | December 13, 2023 (Wednesday) | 4808

METRO MANILA – Posibleng umabot pa sa P60 ang presyo ng well milled rice ayon sa Federation of Free Farmers.

Mula nang alisin ang price cap ay nasa P5 hanggang P10 na ang itinaas nito sa mga pamilihan.

Base sa price monitoring ng Depatment of Agriculture (DA), umaabot na sa P55 ang presyo ng well local milled rice habang P58 naman sa imported.

Ayon sa grupo ng mga magsasaka, nasa P30 na ang bilihan ngayon ng tuyong palay.

Kung may mas mababa mang presyo ng palay, mahal na rin itong naibebenta dahil sa mataas na presyo ng imported rice.

Pero kung may murang bigas anila na papasok ay posibleng mapigilan ang pagtaas ng presyo nito sa mga palengke.

Ayon naman sa Department of Agriculture (DA), bukod sa magandang ani ng lokal na produksyon ay makatutulong rin sa pagpapanatili ng presyo ang imported rice.


Tags: , ,